House ethics panel paplantsahin hatol kay Pantaleon Alvarez

Inihahanda na ng House committee on ethics and privileges ang magiging rekomendasyon nitong parusa laban kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Si Alvarez ay sinampahan ng mga reklamo sa komite ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at disorderly behavior and conduct unbecoming of a public official.

Isinampa ito ni Tagum City Mayor Rey Uy at iba pang opisyal ng nasabing lungsod.

Ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon, vice chair ng komite, ngayong Martes, Mayo 21, muling magpupulong sila para sa ilalabas na committee report.

“[B]ukas pa po pag-uusapan ang magiging rekomendasyon ng Committee on ethics and privileges patungkol sa magiging pinalidad or sanction na puwedeng ipataw dun po sa alegasyon ng disorderly behavior laban kay Alvarez,” ayon kay Bongalon matapos ang kanilang close-door meeting nitong Lunes, Mayo 20.

Ang reklamo laban kay Alvarez ay may kinalaman sa libelous statements nito laban sa mga lokal na opisyal ng Tagum.

Inireklamo rin si Alvarez dahil sa umano’y “seditious remarks” kung saan hinikayat ng mambabatas ang militar na talikuran o bawiin ang suporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. gayundin ang madalas umano nitong pagliban sa sesyon ng Kamara. (Eralyn Prado)

The post House ethics panel paplantsahin hatol kay Pantaleon Alvarez first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments