Nanindigan si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na hindi siya magbibitiw sa puwesto bagkus ay tatakbo pa ng reeleksiyon sa 2025 elections.
“Hindi po, hindi ako magre-resign. I will continue serving my constituents,” wika ni Guo sa interview ng ANC noong Lunes.
Tahasang din itong nakiusap sa mga hindi niya pinangalanang politiko na huwag siyang gamitin sa mga isyu.
“Mayroon din po akong calling po. Sana po ‘yung mga malalaking politicians, kung mayroon po silang mga issues, kung mayroon po silang mga misunderstandings po, ‘wag na po nila ako ida¬may,” wika ni Guo.
Nakaladkad si Guo sa isinagawang imbestigasyon ng Senado sa sina¬lakay na ilegal POGO sa Bamban dahil nakita ang pangalan ng alkalde sa ilang dokumento ng Hongsheng Gaming Technology Incorporated at Zun Yuan Technology Incorporated.
Ang Hongsheng ay sina¬lakay noong Pebrero 2023 at pinalitan ng Zun Yuan sa parehong lokasyon katabi ng City Hall. Ni-raid uli ito noong Marso 2024 at kinasuhan ng human trafficking at serious illegal detention ang mga nagpapatakbo ng establisimyento.
Nanindigan naman si Guo na hindi pa siya nakakapasok sa sinasabing opisina ng POGO sa tabi ng munisipyo.
Inusisa rin ni Senador Risa Hontiveros ang citizenship ni Guo dahil wala umano itong record sa eskuwelahan at maging sa ospital.
Binanggit naman ng alkalde sa ANC interview na isa siyang tunay na Pilipino dahil ang kanyang ina ay dating kasambahay ng kanyang tatay na hanggang ngayon ay hindi pa rin umano niya nakikita.
Muling isasalang si ¬Mayor Guo sa imbestigasyon ng Senado.
The post Tarlac mayor kapit-tuko first appeared on Abante Tonite.
0 Comments