Kumpiyansa ang Department of Justice (DOJ) na maibabalik sa bansa si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa pamamagitan ng isinampang extradition case sa Timor-Leste.
Inihayag ito ng DOJ kasunod ng sinabi ng kampo ni Teves na maghahain sila ng apela sa naging desisyon sa extradition case.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, hindi naman kaagad na mapapauwi ang dating mambabatas dahil mayroon pa silang panahon upang maghain ng apela.
Mayroon umanong 30 araw ang kanilang kampo para umapela sa desisyon ng korte sa Timor-Leste.
Sa kabila nito, sinabi naman ng DOJ na ibinasura na ng korte sa Timor-Leste ang motion for reconsideration ni Teves.
Kampante ang DOJ na ibabasura rin ang apela ng kampo ni Teves sa extradition order at pinaghahandaan na nila ang pagbabalik nito sa Pilipinas. (Migo Fajatin)
The post DOJ kampante sa extradition kay ex-Cong Arnolfo Teves sa Timor-Leste first appeared on Abante Tonite.
0 Comments