Carla ready makaharap si Tom

Bet namin ang attitude ni Carla Abellana. Hindi siya ‘yung tipo ng artista na dahil may isyu, umiiwas sa press. Kahit dati pa na nagkahiwalay sila ni Tom Rodriguez, sinasagot niya kapag may ibinabatong tanong sa kanya.

Dahil nasa iisang network pa sila, malaki ang posibilidad na mag-krus ang landas nila. At kung mangyari man daw ‘yon, handa naman daw siyang makaharap ang ex-husband.

“Nasabi ko naman na kung sakaling mangyari ‘yon, ready naman ako. Hindi naman kailangan na parang preparation or anything. ‘Pag nangyari, ‘di ba, nandiyan siya sa harapan.”

Diretsahan naming tinanong si Carla kung mangyari ang gano’ng situwasyon na magkaharap nga sila ng ex-husband, babatiin niya ba ito? Diretso rin siyang sumagot na, “Hindi naman. I don’t see the need na bumati.

“Ready ako kung sakali,” sey niya rin.

“Hindi naman ako ‘yung iiwas or magtatago. Hindi rin naman ako ‘yung parang friends tayo ulit? No…”

At diretso rin niyang sinagot na hindi siya handang makipagtrabaho o makasamang muli sa isang proyekto si Tom.

“I don’t think I’m ready to work with him anytime soon. Kumbaga, rerespetuhin ko ‘yung space niya, ‘yung trabaho niya, ‘yung buhay niya. I have my own.

“Mahirap na nga to focus on my own life and career. So, ‘yun lang ang focus ko.”

The post Carla ready makaharap si Tom first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments