Taliwas sa gusto ng mga naguudyok na papasukinna ang mga Amerikano sa eksena kaugnay sapinakahuling insidente ng karahasan sa West Philippine Sea, partikular sa Ayugin Shoal, mas gusto ng Malakanyang na magusap ang Manila at Beijing para resolbahin ang insidente.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng National Maritime Council, ‘ walangbalak ang Pilipinas na dalhin ang pinakahulinginsidente sa mataas na international body at hindirin napagusapan ang paggiit ng Mutual Defense Treaty ng Pilipinas sa Estados Unidos.
Sa halip sinabi ni Bersamin, handa ang Manila namakipagusap sa Beijing para maresolba ang hindipagkakaintindihan ng Pilipinas at China.
Maging malinaw sana ito sa lahat, lalo na sa mga‘warmonger’ na ang laging bukang bibig ay pataasin ang ‘stress level’ sa tensiyonado ngsitwasyon sa rehiyon.
Walang mawawala kung maguusap ang magkapitbahay para ayusin ang mga hindipagkakaunawaan. Kung naguusap – lalo na kung walang nakikialam – ang anumang hidwaan sapagitan ng dalawang partido ay madalingnareresolba.
Napapanahon, ang tugon ng Palasyo sapamamagitan ni ES Bersamin. Bagama’t hindimaganda sa pagdinig ng mga utak-pulbura, makakatulong ang pahayag ni Bersamin nakalmahin ang sitwasyon – na may tama saekonomiya – sa rehiyon ng Asya at Pasipiko.
Walang humpay ang pagtaas ng presyo ng mgapangunahing bilihin dala na rin ng mga pangambana baka magkaroon ng gulo o bakbakan.
Kung sa pangamba pa lamang ay mataas na ang halaga ng pagkain at serbisyo, paano na kung aktuwal na ang gulo?
Walang kinikilala ang digmaan.
Kawawa ang mga maliliit at walang kaya. Ang mgamalalakas at may kakayahan ay daglingmakakalabas ng bansa, ang maiiwan ay ang mgamahihina.
Napatunayan na ito ng kasaysayan.
Harinawa, agad maganap ang paguusap sa pagitanng Manila at Beijing upang hindi na masundan pa ng panibagong karahasan ang naunang insidente.
The post Nagsalita na ang Palasyo first appeared on Abante Tonite.
0 Comments