DPWH kinalampag sa mga dokumento ng bagong Senate building

Kinalampag ng Senado ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para isumite ang lahat ng mga dokumentong may kinalaman sa ipinapagawang gusali ng kapulungan sa Taguig City.

Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, chairman ng Senate Committee on Accounts, ilang beses na sila nakipag-ugnayan sa DPWH simula pa noong Hunyo 14, 2024 para sa mga dokumento ng proyekto pero mistulang bingi umano ang kagawaran at wala pang kahit isang tugon.

Kaya pormal na nilang hiniling kay DPWH Secretary Manuel Bonoan na isumite ang mga nasabing dokumento ng hindi lalagpas sa Lunes, Hulyo 1, 2024.

Ang nasabing timeline umano ay magbibigay ng sapat na panahon para sa mga miyembro ng komite na repasuhin ang mga dokumento bago ang isasagawang pagdinig sa Miyerkoles, Hulyo 3.

Nakatakdang isasalang na sa public hearing ng Senado ang usapin sa bagong gusali nito sa Taguig upang magkaroon umano ng mga paglilinaw sa dagdag gastos ng proyekto. (Reymund Tinaza)

The post DPWH kinalampag sa mga dokumento ng bagong Senate building first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments