United Nations tourism chief bumilib sa `Love the Philippines’ slogan

Pinuri ng isang opisyal ng United Nations (UN) ang “Love the Philippines” slogan ng Department of Tourism (DOT).

“The good thing that I observed here is that, you know we associate with the Philippines ‘It’s More Fun in the Philippines.’ I love that catchphrase. But now, I see the ‘Love the Philippines’ is very significant,” ayon kay UN Tourism Regional Director for Asia and the Pacific Harry Hwang.

Inihayag ito ni Hwang sa isang panayam habang dumadalo sa 36th Joint Commission Meeting ng Commission for East Asia and the Pacific at ng Commission for South Asia noong Biyernes.

Bilib umano si Hwang dahil mahusay ang mga Pilipino sa pagtanggap ng mga turista bukod pa sa mayamang kultura at kasaysayan ng bansa.

Tinawag pa ni Hwang na “very powerful tagline” ang tourism slogan ng Pilipinas na naiintindihan aniya ng mga tao.

Inilunsad ng DOT ang “Love the Philippines” slogan noong 2023 upang bigyang-diin na higit pa ang mararanasang saya ng mga turista kapag bumisita sa bansa. (PNA)

The post United Nations tourism chief bumilib sa `Love the Philippines’ slogan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments