Facebook binura `Gikan sa Masa’ ni ex-President Rodrigo Duterte

Tinanggal ng Facebook ang “Gikan sa Masa, Para sa Masa” na programa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Sonshine Media Network International (SMNI) na lumalabas din sa naturang social media platform.

Inihayag ito ng SMNI sa isang post sa X kung saan hindi man lamang umano ipinabatid ng Facebook ang gagawin nitong pagtanggal sa FB page ng programa ni Duterte.

Kasama ni Duterte sa binurang programa si Pastor Apollo Quiboloy bilang co-anchor.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad si Quiboloy dahil sa mga kasong kriminal na kinakaharap sa mga hukuman bukod pa sa arrest warrant na inilabas ng dalawang kapulungan ng Kongreso laban sa kanya.

The post Facebook binura `Gikan sa Masa’ ni ex-President Rodrigo Duterte first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments