Sa pambihirang pagbalandra ng ng galing at komposyur na bihirang sa isang junior golfer pa lang, isinukbit ni Jiwon Lee ang ICTSI Lakewood Championship, niyanig ang ilang top professionals ng bansa, kabilang si Chihiro Ikeda na dinaig sa second playoff hole sa Lakewood Golf and Country Club sa Cabanatuan City Biyernes ng hapon.
Naganap ang sudden death sa par-5 18th hole, na rito’y Lee wagi si Lee kay Ikeda sa sinalpak nakagawiang par habang sumuko si Ikeda sa bogey putt. Parehong tinapos ng players ang regulation sa six-under 210s, nang isubi ni Lee ang krusyal na birdie sa ika-17 butas upang maisalba ang 72, at si Ikeda nag-rally mula sa four shots behind kay 1st-2nd round leader Harmie Nicole Constantino sa pinosteng 70 sa birdie sa huling butas.
“I was so grateful to be in a playoff with Ikeda because I’m such a fan,” lahad ni Lee. “At that point, I was already pressuring myself to win. But I reminded myself to just play the game and have fun. Just feel the pressure and adrenaline rush.”
Natapos ang initial playoff hole sa 18th hole ng dalawa sa mga par.
“Coming into the playoff, I was really nervous,” pag-amin ni Lee. Dinadaga man, pinantayan niya ang par ni Ikeda sa patpapakita ng poise kahit presyur. “My goal was to stay in the Top 5, and I’m glad I did it.”
Nadesisyunan ang labanan nang maging malikot ang bitaw ni Ikeda sa pangatlong tirade sa second playoff hole, nagkaloob ng bentahe kay Lee. “I was actually surprised but relieved at the same time because that gave me the advantage. It gave me no pressure to make a birdie putt,” hirit ni Lee. “But I played it safe and got a par. I was sure I could get a chance to win.”
Sa tanaw-balik sa karanasan, pinahayag niyang ang previous sudden-death finish sa 1st Junior PGT Finals 2023 sa The Country Club ang isa sa nagpahanda sa sarili para pumalaot na sa professional league.
Dalawang tira ang layo kay Constantino tapos ng 36 holes, nakatanaw si Lee sa mga frontrunner, nakita isa-isa ang mga pro na under pressure. Ang clutch birdie sa mahirap na par-3 penultimate hole ang nagbuhol sa kanya kay Ikeda sa 210, na pumuwersa ng playoff.
Sa huling tagpo, ang galing at komposyur niya ang nangibabaw. Nakarating siya sa water-guarded green sa tatlong patama lang samantalang si Ikeda inabot ng apat.
Pero kahit olats, si Ikeda pa rin ang humablot ng P97,500 top purse.
Ang panalo ni Lee ay ‘di lang nagputong sa kanya ng overall championship kundi ng low amateur honors din, senyales nang kahandaan na sa pagtapak sa pro ranks sa pang-anim na leg ng 12th Ladies Philippine Golf Tour 2024 sa July sa Splendido Taal.
Ang tagumpay ay naggiit din sa epektibong programa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. sa nasa ikalawang taon na ngayong Junior PGT kung saan hinasa ni Lee ang talento at kakayanan , dinomina ang katatapos na dalawang bahagi sa taong ito sa Splendido Taal at Pradera Verde.
Para kina Constantino, Bisera, at Ikeda, maaalala nila ang torneo na pagsablay nila sa pagkakataon. Kay Constantino na winalis ang huling tatlong yugto ng circuit, nasa trangka pa pagkaraan ng dalawang round kahit may ilang kabiguan sa kaagahan. Pero ang serye ng bogey ang nagbaklas sa kanya sa kontensiyon.
Umakyat pa si Bisera sa tuktok pero kumabyos din sa huling butas. Nagbuhol sila sa tersera ni Constantino sa 211, pinaghatian ang pinagsamang segunda-tersera premyong P117,750.
Sosyo sa panlima sina Marvi Monsalve at Gretchen Villacencio sa 219 makalipas ang 75 at 76, ayon sa pagkakasunod, samantalang humabol si Velinda Castel sa 71 para pumangpito sa 220. Parehong tumapos ng 221 sina Kayla Nocum at Mikhaela Fortuna pagkatipa ng 71 at 76.
Si (opening) Apo leg winner Sarah Ababa lumagak sa Top 10 sa 222 makaraan ang 75, samantalang si Princess Mary Superal nangapa sa 76 at bumagsak pa sa ika-11 sa 224. (Abante TONITE Sports)
The post Jiwon Lee namayagpag, Chihiro Ikeda binulaga first appeared on Abante Tonite.
0 Comments