PBBM ginigiba sa fake news – AFP

Naalarma na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kaliwa’t kanang pagkalat ng mga disinformation campaign na walang ibang puntirya kundi ang gobyerno.

Sa isang pahayag, sinabi ni AFP chief General Romeo Brawner Jr. na plano ng mga nagpapakalat ng disinformation na sirain ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.

Target umano ng mga ito na maghasik ng ligalig at hatiin ang bansa para ilihis ang atensyon ng mga tao sa mas mahalagang mga isyu.

Saad pa ni Brawner na sa panahon ngayon importanteng maging maingat sa pagtanggap ng mga impormasyon at sa mga impormasyon na pinapakalat ng mga taong gustong manggulo sa pamahalaan.

“We urge the public to verify sources and seek information from credible and official channels. Let us stand together in the face of these desperate attempts to spread discord,” ayon sa pahayag ni Brawner.

Dagdag pa ng opisyal, binabaluktot ng mga pekeng impormasyon ang katotohanan at pinapanghina ang pagkakaisa ng bansa dahilan upang maging bukas tayo sa mga hamon mula sa labas ng bansa na banta sa pambansang seguridad at katatagan.

Siniguro naman ng AFP chief na mananatili sila bilang protector ng bansa at buo ang suporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Wala namang tinukoy na sektor ang AFP chief kung saan nanggagaling ang mga disinformation campaign laban sa administrasyon. (Edwin Balasa)

The post PBBM ginigiba sa fake news – AFP first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments