Southern City Colleges hari ng ROTC Games basketball

ZAMBOANGA City – Kuminang ang Southern City Colleges sa Philippine Air Force nang ilampaso ang Western Mindanao State University, 108-42 at sikwatin ang 2nd Philippine ROTC Games 2024 Mindanao Qualifying Leg men’s 5×5 basketball gold medal Biyernes sa University of Zamboanga-Summit Centre rito.

Dinomina buong laro ng SCC cagers ang WMSU dribblers na nilamangan pa ng 48 points, 67-19 sa second quarter pa lang tungo sa madaling tagumpay sa palaro na pinasimulan ni Sen. Francis Tolentino at pinapdrinuhan ng Philippine Sports Commission sa lidertato ni Chairman Richard Bachmann.

Sumiklab din para sa Philippine Army ang Josefina Cerilles State College para kalusin ang SCC, 92-60, para sa isa pang titulo ng men’s cagefest.

Abante ang SCC at JCSC sa national finals sa Indang, Cavite sa Agosto.

Bugbugang umaatikabo naman ang PA boxing event kung saan hinablot ni Rolando Evangelista ng Jose Rizal Memorial State University -Tampilisan ang gintong medalya sa men’s 51-54 kilogram.

Sinapol ni Rey John Paul Apale ng Makilala Institute of Science and Technology ang gold sa 54-57-kg. pagkagulpi kay Ian Jeffer Banyogan ng PHINMA -Cagayan De Oro College na nakuntento sa silver.

Ang ibang boksingero ng Army na gold winners ay sina Joebert Yacapin ng PHINMA-CDOC, (57-60kgs) at Wilmark Agosto ng De La Salle University (60-63.6kg).

Si Gabriel Gonzales ng WMSU naman ang nakaginto para sa PAF sa (60-63.6).

Sa women’s Arnis, kumalawit ng ginto para sa PAF ang mga taga-WMSU sina Bernalyn Jhoy Nicdao (featherweight), Sarah Oraciano (lightweight) at Maricar Cautivar (welterweight).

Gold din women’s table tennis singles sina Kyla Crizz Pabico ng Holy Trinity College sa Army at Roxette Enriquez ng SCC sa Air Force. (Elech Dawa)

The post Southern City Colleges hari ng ROTC Games basketball first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments