Alden ‘pinagiba’ ang ancestral house

Ipinost ng isang page sa X social media account na diumanoý ipinagiba ni Alden Richards ang isang ancestral house sa Sta. Rosa, Laguna para tayuan ng fastfood chain store.

Ibinahagi pa nito ang report ng El Reportero na ang Zabala-Rivera ancestral house na isa sa pinakamatandang ancestral house sa nasabing lalawigan ay ide-demolish para bigyang daan ang pagpapatayo ng isang branch ng fastfood.

Ayon daw sa kanilang pagtatanong, ang branch owner nito ay si Alden.

Naitanong din daw nila kina Alden at sa nasabing food chain kung ang iba pang bahagi ng building ay gagamitin.

Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng mga netizen sa nasabing kontrobersya.

“ancestral house is different from heritage site po. if illegal yung action, then dapat hindi sila binigyan ng permit ng LGU. for sure naman nagkaroon ng consultation with government officials regarding dito bago sila nagpush na gawin yung project.”

“Why demolish if they can use the structure without alterations? Maganda nga yan para iba naman ang vibes.”

“@aldenrichards02 paki explain.”

“kasi HINDI heritage site yan.”

“Bago kayo mag comment alamin muna…ung iba may masabi lang :(“

“If I’m the owner of the lot then I can do whatever I want. Lol”

Bukas naman ang panig ni Alden Richards sa isyung ito.

Ayon naman sa manager ni Alden na si Carlites De Guzman, hindi raw ancestral house ‘yung pinagiba dahil merong may-ari nito. Ang itatayong fastfood chain sa Sta. Rosa ay tabi umano ng naturang ancestral house.

The post Alden ‘pinagiba’ ang ancestral house first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments