Supreme Court binasbasan Sandiganbayan sa plunder case vs Juan Ponce Enrile

Pinayagan ng Supreme Court (SC) en banc na ituloy ng Sandiganbayan ang pag-uusig sa plunder case na isinampa laban kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Base sa desisyon ng SC na isinulat ni Associate Justice Maria Filomena Singh, dapat payagan ang prosekusyon na magharap ng mga ebidensiya alinsunod sa itinakda ng batas at mga regulasyon

Taong 2014 nang kasuhan ng Ombudsman sina Enrile, Jessica Lucila Reyes, Janet Lim Napoles, Ronald John Lim, at John Raymund de Asis ng plunder o pandarambong kaugnay sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel scam.

Naghain ng mosyon ang kampo ni Enrile para ipatigil ang paglilitis sa kanya ng Sandiganbayan.

“The Sandiganbayan proceeded with the trial, prompting Enrile to file the present petition for prohibition with the Court. In dismissing Enrile’s petition, the Court ruled that the prosecution’s evidence should not be limited to what is stated in the Bill of Particulars,” ayon sa pahayag ng SC Public Information Office. (Prince Golez)

The post Supreme Court binasbasan Sandiganbayan sa plunder case vs Juan Ponce Enrile first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments