Tagumpay ang panibagong resupply mission na isinagawa para sa mga tropa ng pamahalaan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Sabado, Hulyo 27, dahil walang nangyaring insidente, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito ang unang rotation and reprovisioning (RORE) mission matapos magkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at China para pahupain ang tensiyon sa Ayungin Shoal.
Maayos at payapang nakapaglayag ang civilian vessel na MV Lapu-Lapu habang inieskortehan ng BRP Cape Engaño ng Philippine Coast Guard.
“No untoward incidents were reported,” ayon sa pahayag ng DFA.
Pinapurihan ng DFA ang propesyonalismo ng mga Philippine Navy at PCG personnel sa matagumpay na RORE mission sa Ayungin Shoal.
Samantala, tikom pa ang DFA sa mga nilalaman ng kasunduan sa China tungkol sa resupply mission sa Ayungin Shoal.
Una nang ipinahayag ng DFA na nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China pagkatapos ng serye ng konsultasyon kasunod ng mga pag-uusap sa ginanap na 9th Bilateral Consultation Mechanism meeting on the South China Sea noong Hulyo 2. (PNA)
The post China `di hinarang resupply mission sa Ayungin Shoal – DFA first appeared on Abante Tonite.
0 Comments