Siyam na porsiyento lamang ng 22,323 na bakanteng teaching positions sa buong bansa ang napuno ng Department of Education (DepEd), ayon sa isang opisyal nito na humarap sa pagdinig ng Kamara de Representantes.
Sa pahayag ni DepEd Undersecretary for Human Resource and Organizational Development Wilfredo Cabral sa oversight hearing ng House Committee on Appropriations noong Martes, Hulyo 30, 22 porsiyento aniya ng mga bakanteng posisyon ang nasa iba’t ibang yugto ng pagpoproseso.
Ayon sa kaniya, naglabas ng memorandum order ang DepEd noong nakaraang taon na nag-uutos sa mga regional director at school division superintendent na bumuo ng catch-up plans upang punan ang mga bakanteng teaching position.
Nabanggit naman ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na mayroon ding 9,673 na bakante para sa mga non-teaching personnel na karamihan ay para sa mga administrative officer at assistant.
The post DepEd tambak pa mga bakanteng trabaho first appeared on Abante Tonite.
0 Comments