Isa sa dalawang foreign national na sinasabing may kaugnayan sa iligal hub at naaresto sa isang bahay sa Tuba, Benguet ay nabistong isa palang puganteng Chinese.
Lumalabas na isang Chinese national na nagngangalang Sun Liming at hindi Cambodian national na si Khuon Moeurn ang nadakip.
Napag-alaman din na si Liming ay gumagamit ng mga pekeng Cambodian document.
Sa red notice ng Interpol, nakasaad na may kinakaharap itong crime of illegally taking in public deposits sa kanyang bansa.
Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Presidential Anti-Organized Crime Commission.
Pormal na ring hiniling ng Chinese Embassy na maipa-deport siya pabalik sa China.
Nauna nang itinanggi ni former presidential spokesperson Harry Roque na pag-aari niya ang naturang residential house sa Tuba.
Gayunpaman inamin niyang mayroon siyang interes sa korporasyon na siyang nagmamay-ari ng ni-raid na bahay.
“Ang bahay po na tinutukoy n’yo sa Tuba, Benguet ay rehistrado po sa isang korporasyon. Tinirhan ko po ‘yan noong ako ay umalis ng gobyerno and I do have an interest in the corporation that owns it. Pero wala po sa akin ang possession ng bahay na ‘yan, dahil as of January of 2024, ‘yan po ay pinaupahan ng korporasyon,” saad niya sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.
The post Nahuling Cambodian sa haybol ni Roque, puganteng Chinese first appeared on Abante Tonite.
0 Comments