Kamara itinama botohan sa absolute divorce bill

Itinama ng Kamara de Representantes ang resulta ng botohan para sa absolute divorce bill.

Sa plenary session nitong Lunes, Hulyo 29, inanunsyo ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr. ang pagtatama ng Secretariat.

“The chair would like to manifest that he was informed by the secretariat of a correction in the result of the nominal voting on House Bill no. 9349 or the Absolute Divorce Bill that the body approved on third reading last May 22, 2024,” sabi ni Gonzales.

Aniya, base sa pagrepaso ng Secretariat sa resulta ng botohan, lumalabas na ang final validated result 131 ang bumoto pabor sa absolute divorce bill sa halip na 126 habang 109 ang boto kontra sa panukala, at 20 ang abstention.

Naipadala na ng Kamara sa Senado ang absolute divorce bill. (Billy Begas)

The post Kamara itinama botohan sa absolute divorce bill first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments