Bukod sa P29 per kilong bigas, pinipilahan din ang murang karne ng baboy na ibinebenta sa Kadiwa store na nasa compound ng Bureau of Animal Industry sa Quezon City.
Nabatid na nagkakahalaga lamang ng P270 kada kilo ang buto at pata ng karneng baboy habang P320 naman ang laman.
Kung ikukumpara ito sa merkado, batay sa price monitoring ng Department of Agriculture, pumapalo sa P300 hanggang P410 ang presyo ng baboy. Nasa P300 hanggang P380 ang pork kasim samantalang P360 hanggang P410 naman ang liempo.
Samantala, sa sobrang patok ng bigas sa Kadiwa Center, dinagdagan na ng DA ang suplay na ipinadadala dito.
Umabot na sa 150 na sako ng bigas ang ibinebenta sa Kadiwa store kaya’t mas marami na ang maaaring bumili nito.
Bukod sa bigas at karne, marami rin ang bumibili ng murang ulam tulad ng isda, talong, at itlog. (Andrea Salve/Migo Fajatin)
The post Karneng baboy mas mura sa Kadiwa kaysa palengke first appeared on Abante Tonite.
0 Comments