Magsasagawa ng nationwide rice price monitoring ang pamahalaan sa mga palengke at iba pang establisimiyento upang malaman ang epekto ng ipinatupad na tapyas-taripa sa imported na bigas.
Sa pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Sabado, Hulyo 13, partner sila ng Department of Agriculture (DA) sa price monitoring sa mga palengke, supermarket, hypermarket, at grocery stores.
Mula sa 35%, ibinaba sa 15% ang taripa sa imported na bigas at iba pang produktong agrikultural alinsunod sa Executive Order No. 62 na inilabas ng Malacañang noong buwan ng Hunyo.
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, kailangang gawin ang nationwide monitoring matiyak na magiging matatag ang suplay at presyo ng bigas.
“These data-driven reports will inform policymakers’ decisions to ensure stable rice supply, distribution, and pricing,” aniya.
Bukod sa DTI at DA, kasama rin sa price monitoring ang mga kinatawan mula sa consumer, agricultural, trading at manufacturing sectors para sa layuning maging matatag at kontrolado ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa. (PNA)
The post DTI, DA babantayan epekto ng tapyas-taripa sa presyo ng bigas first appeared on Abante Tonite.
0 Comments