Sisiguruhin ni Senator Sherwin Gatchalian na sa Pasay City jail mapupunta si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Inilahad ito ng senador sa programang Easy Lang sa Abante Radyo kaugnay ng ilang beses na hindi pagdalo ni Guo sa hearing ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality kaugnay sa pagkakasangkot ng alkalde sa scam hub sa kanyang bayan at ang isyu sa kanyang Filipino citizenship.
Sabi ni Gatchalian, nakausap niya si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero at sinabi nitong direkta siyang pinadalhan ng mensahe ni Guo ngunit hindi nito intensyong balewalain ang Senado.
Ayon kay Gatchalian, tuloy ang pag-aresto kay Guo at may kasunduan sila ng Pasay City Jail.
“Tuloy ang pag-aresto sa kanya. Itutulak ko talagang maaresto siya. Pagna-aresto, pagnahuli namin siya. Ako personally sasabihin ko hindi siya ilagay dito sa Senate detention cell dapat ilagay siya sa Pasay City jail dahil unang-una hindi siya karapat-dapat dito sa Senado dahil umiiwas ng umiiwas siya dahil meron kaming partnership with Pasay City jail kung puno na dito sa Senado doon siya ilalagay,” giit ni Gatchalian.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ipapakulong ng Senado sa Pasay City jail ang mga pinatawan ng contempt. Noong 18th Congress, ilang executive ng Pharmally Pharmaceutical Corp. ang kinulong sa Pasay City Jail.
The post Mayor Guo biyaheng Pasay City Jail kapag naaresto first appeared on Abante Tonite.
0 Comments