Mananatili sa P30 per kilo ang pinakamataas na buying price ng palay ng National Food Authority (NFA) kahit pa nagsisimula nang magbenta ang pamahalaan ng bigas na P29 per kilo lamang.
Sabi ni NFA Administrator Larry Lacson sa pakikipag-usap nito sa mga magsasaka sa Davao Oriental, maliban kung babaguhin pa ng NFA Council ay mananatili sa P30 per kilo ang ceiling price ng ahensiya sa palay.
Noong Abril lamang itinaas ng NFA Council ang buying price nito ng palay sa P17 hanggang P30 per kilo mula sa P16 hanggang P23 per kilo para makabili ito ng palay at hindi maubusan ng mga trader.
Ayon sa Department of Agriculture, nasa 3.5 milyong tonelada na ng palay ang nabili ng NFA sa unang semester ng taon.
Sabi ni Lacson, hirap ang ibang mga kooperatiba ng mga magsasaka na magbenta o magdala ng bigas sa NFA kaya nagpaplano na ang ahensiya na mamili ng mga sasakyan para diretso nang madadala ang palay sa mga bodega nito.
Kasama ito sa nais ng NFA na isama sa badyet ng ahensiya sa 2025 na pag-uusapan pa lang sa Kongreso. (Eileen Mencias)
The post NFA pinako presyo ng palay sa P30 per kilo first appeared on Abante Tonite.
0 Comments