Number coding epektibo ngayong araw

Hindi sususpindihin ang number coding scheme sa Metro Manila sa pagdaraos ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pinapaalala sa mga motorista na epektibo pa rin ang number coding sa Metro Manila kabilang sa Quezon City kung saan gaganapin ang SONA sa Batasang Pambansa Complex.

Ayon kay acting MMDA Chairperson Romando Artes, may posibilidad na madagdagan pa ang mga sasakyan sa kalsada at maaaring lalong sumikip ang daloy ng trapiko kung magdedeklara sila ng suspensiyon sa number coding scheme.

Para sa Lunes, ang mga sasakyang may plate number na nagtatapos sa numero 1 at 2 ay hindi pinapayagang dumaan sa mga kalsada mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-diyes nang umaga at alas-singko ng hapon hanggang alas-diyes nang gabi.

Nauna nang inanunsyo ng MMDA na mayroon silang mga alternatibong ruta ng trapiko at magpapakalat din sila ng 2,000 tauhan para magbigay ng tulong sa inaasahang matinding daloy ng trapiko, partikular sa Quezon City. (Vincent Pagaduan)

The post Number coding epektibo ngayong araw first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments