Inaasahang bababa ang inflation rate sa 2-4 porsiyento sa susunod na buwan hanggang sa 2025 na pasok sa target ng gobyerno, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa unang araw ng briefing ng Development Budget Coordination Committee sa Senado, sinabi ni BSP Governor Eli Remolona na malaking tulong sa pagbaba ng inflation rate ang pagbaba rin ng presyo ng bigas dahil na rin sa Executive Order (EO) 62 o pagbawas ng taripa sa inaangkat ng bigas.
Ayon kay Remolona, mananatiling malaki ang epekto ng mataas na presyo ng bigas sa pagtaas din ng inflation sa bansa.
Sa mga survey, lumalabas na kapag nag-aalala ang mga tao sa mataas na presyo ng bilihin, 90 porsiyento nito ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng bigas. (Dindo Matining)
The post BSP gov sureball na babagsak inflation first appeared on Abante Tonite.
0 Comments