Inilatag ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahain ng misinterpretation charges laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito ay bunsod na rin sa nadiskubreng pagtugma ng election records ni Guo sa fingerprint ng isang Guo Hua Ping, kasunod na rin ng isinagawang fingerprint analysis ng nabanggit na ahensya.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na dahil iisang tao lang ang mga ito, ang presumption ay may nangyaring misinterpretation.
Napatunayan din ng kanilang eksperto ang anim na fingerprints nito ay iisa.
Kabilang dito ang dalawa mula sa NBI at isa mula sa alien certificate of registration na pag-aari umano ng nag-iisang Guo Hua Ping.
Bukod pa rito, lima sa fingerprints ay tumugma sa iisang taong nagngangalang Alice Guo na siyang kumuha noon ng NBI clearance.
At nalaman din na iisa lang ito nang maghain ito ng kandidatura sa Bamban at bumoto noong Mayo 2022 sa national and local elections.
Lumalabas umano na dahil hindi siya Pilipino ay nararapat siyang hainan ng kasong kriminal. (Just Ignacio)
The post Mayor Guo kakasuhan din ng Comelec first appeared on Abante Tonite.
0 Comments