PUV Modernization arangkada kahit humirit Senado ng suspensyon – LTFRB

Siniguro ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver at operator na nag-consolidate na tuloy pa rin ang Public Utility Vehicle Modernization Program.

Ito ay sa kabila ng resolusyon sa Senado sa pansamantalang suspensyon sa nasabing programa.

Ayon kay LTFRB chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, tuloy lang ang programa hangga’t walang direktiba mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Department of Transportation.

Sinabi ni Guadiz na ang modernization program ay tugon lamang sa lumalalang problema sa transportasyon.

Samantala, ginagalang naman ng LTFRB ang Senate resolution na ibinatay sa mga reklamo ng driver at transport group. (Don King Zarate)

The post PUV Modernization arangkada kahit humirit Senado ng suspensyon – LTFRB first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments