P112M shabu naispatang lumulutang sa WPS

Nasa P112.2 milyong halaga ng umano’y shabu na nakalagay sa isang plastic drum ang naispatan ng isang 29-anyos na mangingisda na palutang-lutang sa baybayin ng West Philippine Sea sa parte ng Barangay Patar, Bolinao, Pangasinan noong Linggo, ayon sa Pangasinan Police Provincial office (PPPO) kahapon.

Ayon sa PPPO base na rin sa report ng Bolinao Police Station (BPS), ang nasabing kontrabandong shabu na tumitimbang ng 16.5 kilograms ay nakita mula sa 40 nautical miles west sa nasabing barangay.

Sinabi ng pulisya na ang nasabing kontrabando ay dinala sa Agno police personnel na nasabing lalawigan at ipinagbigay alam sa BPS.

Kinumpirma naman ng Pangasinan Provincial Forensic Unit na shabu ang natagpuang kargamento sa dagat.

Nakipag-ugnayan na ang PPPO sa Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang ahensya para alamin kung saan galing ang kontrabando. (Allan Bergonia)

The post P112M shabu naispatang lumulutang sa WPS first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments