Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na may nilulutong impeachment complaint laban sa kanya sa Kamara de Representantes.
“Pinag-uusapan nila kahit i-deny nila, pinag-uusapan ng members ng HOR, kasi meron pa naman kaming kaibigan sa loob na ‘di nagsasalita dahil takot sila. Sinasabi nila openly discussed ang impeachment,” wika ni Duterte sa isang press conference matapos ang budget hearing ng panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP).
Gayunpaman, hindi natitinag si Duterte sa planong ito ng kanilang mga kalaban na iisa lang ang layunin, ang pabagsakin ang pamilya Duterte.
“Basta kami inaantay lang namin ang kanilang gagawin dahil expected na ‘yun na gagawin nila dahil gusto nilang pabagsakin ang pamilya Duterte sa politika. Hindi lang sa politika, sa personal dahil sinama nila asawa ko sa harassment nila,” dagdag pa niya.
Sabi pa ng Vice President, ang nilulutong impeachment laban sa kanya ay bahagi lamang ng Playbook laban sa kanilang pamilya.
Itinanggi naman ni House Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo na mayroong plano ang liderato ng Kamara na patalsikin sa puwesto si VP Duterte.
“No. I can categorically say, and it was repeated to me by the Speaker this afternoon before I came down… there is none,” sabi ni Tulfo.
“The meeting last night of the House leaders is all about the lineup of the administration’s bet for the 2025 senatorial elections. So, wala po talaga eh,” dagdag pa ng solon na ang pinatutungkulan ay ang naging pagpupulong ng mga lider ng iba’t ibang partido politikal sa bansa sa Malacañang bilang paghahanda sa 2025 midterm elections. (Dindo Matining/Billy Begas)
The post Sara natunugan impeachment sa Kamara first appeared on Abante Tonite.
0 Comments