Tila kumambiyo si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) chief Emmanuel Rufino Ledesma sa nauna nitong pangako na irerekomenda niya kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na bawasan ang buwanang premium contribution ng mga miyembro nito.
Sa pagdinig ng Senate committee on health and demography na pinamumunuan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go, muling tinanong ng senador kung tuloy ba ang rekomendasyon niya sa Pangulo subalit hindi ito direktang sinagot ng pinuno ng PhilHealth.
“President Ledesma, hindi mo talaga sinasagot ‘yung tanong ko kanina? ‘Yung sinabi mo na ire-recommend mo ‘yung decrease ng premium contribution sa ating mahal na Presidente Marcos, nagawa mo na ba ito? Nangako ka last hearing na i-rerecommend mo ito? Iniwasan mo ba ‘yung tanong ko?” tanong ni Go kay Ledesma.
Paglilinaw naman ng PhilHealth chief, pinag-aaralan pa lang nila ang panukala kaya wala pa siyang inirerekomenda kay Pangulong Marcos na bawasan ang premium contribution ng mga kasapi nito.
“This is how I recall in the last hearing, I mentioned we will thoroughly study the possibility of recommending whether the premium contributions will be brought down, decrease in premium contributions,” paliwanag¬ ni Ledesma. (Dindo ¬Matining)
The post PhilHealth chief kumambiyo sa bawas kontribusyon first appeared on Abante Tonite.
0 Comments