Ping pasok! 12 manok ni PBBM sa Senado kasado na

Kumpleto na ang 12 kandidato ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para sa 2025 senatorial elections.

Sinabi ni Sen. Imee Marcos na ito ang napagkasunduan sa pulong ng mga partido politikal sa Malacañang noong Lunes nang gabi.

Sa hanay ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., nakapasok sa lineup si Sen. Francis Tolentino, DILG Secretary Benhur Abalos at dating senador Manny Pacquiao.

Ang Nationalist People’s Coalition (NPC), nakalista sina dating Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, dating senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, Sen. Lito Lapid na dating bumubuo ng Macho Bloc sa Senado. Kasama sa lineup ng NPC si Makati City Mayor Abby Binay.

Pasok naman sa Lakas-CMD sina Sen. Ramon Bong Revilla Jr. at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, habang sa Nacionalista Party (NP) naman ay kandidato sina Sen. Pia Cayetano, Imee Marcos at Las Piñas City Rep. Camille Villar.

Ang simula ng paghahain ng certificate of candidacy para sa lahat ng tatakbo sa 2025 elections ay sa unang linggo ng Oktubre ngayong taon.

The post Ping pasok! 12 manok ni PBBM sa Senado kasado na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments