VP Duterte kinuyog sa palusot kontra House probe

Para kay House Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre nagpapalusot lamang si Vice President Sara Duterte sa pahayag nito na politically motivated ang imbestigasyon ng quad committee kung saan iniugnay ang kanyang mister at kapatid sa shabu smuggling.

“Sa comment na this is politically motivated, I think that’s the most convenient excuse eh,” sabi ni Acidre sa isang press conference.

“Noong war on drugs ng dating administrasyon, palagi nilang sinasabi na ‘kung wala ka namang itinatago bakit ka matatakot?’ Ibabalik ko lang sa kanila, kung wala silang itinatago, bakit sila matatakot na humarap sa Kongreso?” dagdag pa nito.

Ang mister ni Duterte na si Atty. Manases Carpio at kapatid na si Davao City Rep. Paolo Duterte ay iniugnay ng dating Customs intelligence officer na si Jimmy Guban sa shipment ng shabu na itinago sa magnetic lifter noong 2018.

Sa kaparehong press conference, sinabi ni House Assistant Majority Leader at Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing na ang tugon ni Duterte sa isyu ay “the easiest way out.”

“It’s just easy to dismiss allegations saying na all of those attacks, all of those investigations are politically motivated, but they’re not. I think in all of the hearings nakita po natin na may mga ebidensiya,” punto ni Suansing.

“Meron na pong mga salaysay, mga under oath na mga salaysay na medyo nagkakaroon na po tayo ng direksiyon patungkol po doon sa sino ‘yung mga personalidad na kailangang tingnan. So this is not politically motivated, this is fueled by the need to really address the prevalent drug syndicates in the country, the prevalence of drugs in the country,” dagdag pa nito. (Billy Begas)

The post VP Duterte kinuyog sa palusot kontra House probe first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments