Nasagip ang halos 100 Indonesians mula sa ilegal na operasyon ng isang hub sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Sabado.
Batay sa nakalap na eksklusibong footage ng Bilyonaryo News Channel o BNC.PH, makikitang sinalakay ng mga operatiba ang mga gusali sa Tourist Garden Hotel sa Lapu-Lapu City upang iligtas ang mga banyagang biktima.
Ayon sa ulat, ang ilegal na operasyon ay lumipat sa lalawigan ng Cebu matapos ang mga itong mapalayas sa Luzon.
Sa kanilang pahayag, inamin ng mga naisalbang Indonesians na nabudol silang magtrabaho sa online scam.
“The raid stemmed from the request of the Indonesian embassy to rescue their citizens who are being held in the resort and forced to work on the online scam,” saad ni PAOCC spokesperson Winston Casio hinggil na rin sa isinagawang raid.
Kasama ring inimbestigahan at inaresto ang mga hinihinalang operator ng online scam, kabilang ang isang babaeng Chinese na nagsabing sila ang namamahala sa restaurant ng nasabing resort.
Ayon sa babaeng Tsino, siya ay estudyante sa isang paaralan sa lungsod at sinabing hindi aniya nila alam na ilegal na aktibidad ang mga nagaganap sa nabanggit na resort.
The post Tourist Garden Hotel sa Cebu ni-raid: 100 Indonesian nasagip sa scam hub first appeared on Abante Tonite.
0 Comments