Martin Romualdez hinamon mga gobernador na umaksyon kontra kahirapan

Nakipagpulong si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa 27 gobernador upang hingin ang kanilang tulong sa pagtugon ng gobyerno sa kahirapan at iba pang problema ng bansa.

Kasama ni Romualdez sa pagpupulong noong gabi ng Huwebes si Anton Lagdameo, ang special assistant kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa pagpupulong, iginiit ni Romualdez ang kahalagahan ng papel ng mga gobernador at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan upang matugunan ang mga problema ng bansa.

“The problems we face – poverty, lack of infrastructure, health and education disparities – require the collective will and resources of the entire government. I am calling on all of you, our provincial governors, to be our partners in this whole-of-government approach,” sabi ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na target ni Pangulong Marcos na ibaba sa single digit ang poverty rate ng bansa sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028.

Upang maabot ito, sinabi ni Romualdez na mahalaga na mapanatiling abot-kaya ng mga ordinaryong Pilipino ang presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain, maparami ang ani ng mga produktong agrikultural sa bansa, at epektibong iparating sa publiko ang serbisyong kaloob ng gobyerno. (Billy Begas)

The post Martin Romualdez hinamon mga gobernador na umaksyon kontra kahirapan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments