Jonna Perdido giniyahan UST, haharapain ang FEU sa finals

Nagtulungan Angeline ‘Angge’ Poyos at Jonna Perdido upang isampa sa championship round ang University of Santo Tomas, nilapa ang 25-23, 25-15, 25-20 win kontra College of Saint Benilde sa 3rd V-League Women’s Collegiate Challenge nitong Linggo ng hapon sa PhilSports Arena sa Pasig.

Kumana ng clutch game si Perdido sa first set habang si Poyos ang namuno sa opensa sa Golden Tigresses sa dulo na makakalaban sa finals ang Far Eastern University na winalis din sa best-of-3 semifinals ang University of the East, huli ang straight sets din 25-20, 25-19, 25-21.

Nagtala si Poyos ng 16 markers habang 11 ang kinana ni Best Player of the Geme Perdido para pahabain pa ang ratsada ng España-based squad sa walo sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc., na ang mga laro ay napapanood sa Solar Sports, vleague.ph/live, at sa V-League’s YouTube channel.

Sisiklab ang Finals ng UST at FEU na isa ring race-to-2 win simula sa Linggo. Kncout game na lang para sa bronze medal ang deposed champion Lady Blazers at Lady Red Warriors sa alas-12:00 ng tanghali.

“Nag-stick lang doon sa sistema, malinis na ‘yung galaw, ‘yung maturity little by little, nagagawan na nang paraan,” suma ni UST coach Emilio ‘Kungfu’ Reyes Jr.

Si Ria Densing ang kumasa sa Taft-based squad sa iniskor na 12. Nag-ambag si Wielyn Estoque ng 11 sa kontrolado ng USTe na salpukan.

Sa men’s division, swak na rin sa finals ang FEU Tamaraws matapos suwagin ang National University Bulldogs, 25-13, 25-20, 25-21 victory.

Makakalaban ng Tams ang mananalo sa De La Salle University-UST Golden Spikers.

Humirit ng winner-take-all Game 3 ang Green Spikers kontra UST sa kanilang serye kinagabihan, 25-18, 25-20, 25-23. (Elech Dawa)

The post Jonna Perdido giniyahan UST, haharapain ang FEU sa finals first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments