DMW, OWWA abangers sa 37 OFW galing Lebanon

Inaasahang darating sa bansa ngayong Lunes ng gabi, Oktubre 14, ang karagdagang 37 overseas Filipino worker (OFW) mula sa Beirut, Lebanon.

Ito ang iniulat sa Malacañang ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kaugnay sa patuloy na pagpapauwi sa mga Pilipinong apektado ng kaguluhan sa Lebanon.

Ayon sa dalawang ahensiya, umalis nitong Sabado (Oktubre 12) sa Beirut ang mga OFW patungo sa Istanbul, Turkey sa tulong ng gobyerno ng Canada.

Pagdating sa Istanbul ay sasalubungin ang mga OFW ni Ambassador Henry Bensurto at mga opisyal ng Philippine Consulate Office.

Mula sa Istanbul ay didiretso na pauwi sa Pilipinas ang 37 OFW at sasalubungin naman sila ng mga kinatawan ng OWWA pagdating sa paliparan.

Tiniyak ng gobyerno na magpapatuloy ang pagpapauwi sa mga OFW mula sa Lebanon at siguruhin ang kanilang kaligtasan sa harap ng nagaganap na sitwasyon sa nabanggit na bansa dahil sa bakbakan ng mga tropa ng Hezbollah at Israel. (Aileen Taliping)

The post DMW, OWWA abangers sa 37 OFW galing Lebanon first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments