LTO sinuspinde 2 driving school sa diskarteng fixer

Dalawang driving school sa Tarlac at Lucena City ang sinuspinde ng 30 araw matapos mapatunayang mabilis sa pag-isyu ng Practical Driving Court (PDC) at Theoretical Driving Course (TDC) certificates na kahalintulad umano sa gawain ng mga fixer.

Dalawang pangunahing requirement ang PDC at TDC sa mga aplikante para magkaroon ng lisensiya sa pagmamaneho.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza, nag-iisyu ang dalawang driving school ng mga certificate sa kabila ng hindi pagdaan sa proseso at hindi sapat na bilang ng mga kinakailangang oras para sa mga kurso sa kanilang mga estudyante.

Ito’y matapos umano ang natanggap nilang mga report kaugnay sa talamak na pag-iisyu ng mga PDC at TDC, at maging ng mga medical certificate sa kabila ng hindi pagdaan ng mga kliyente sa tamang proseso.

Sabi ni Mendoza, naglabas na sila ng show cause order sa dalawang driving school mula sa San Sebastian, Tarlac at Lucena City. (Issa Santiago)

The post LTO sinuspinde 2 driving school sa diskarteng fixer first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments