Kimberly Anne Custodio tinapik na PSA Athlete of the Month

Niladlad ni jiujitsu ace Kimberly Anne Custodio ang gilas upang giyahan ang mga pambansang atleta na kuminang sa mga internasyonal na kompetisyon nitong Oktubre.

Dinomina niya pa-gold medal ang adult female -45kg class ss JJIF World Championship sa Heraklion, Greece kung saan nagwagi rin ang bansa ng gold kay Isabelle Butler sa under-18 F -57kg, silver mula kay Jollirine Co (adult F -48kg) at bronze kina Daniella Palanca (adult F -45kg) at Annie Ramirez (adult F -57kg).

Naduplika ni Custodio ang iniuwing titulo noong 2022 Abu Dhabi world meet, isang panalo na nagbigay sa kanya ng Philippine Sportswriters Association top achiever for the month.

Pasiklab naman ang junior bets sa iba’t-ibang laro tulad ng PH Volcanoes sevens team, pool star Carlo Biado at Olympian Hergie Bacyadan para makasama sa spotlight.

Ang taekwondo jin na si Tachina Keizha Mangin ang naka-gold sa F -49kg ng World Taekwondo Junior Championships sa Chuncheon, SouthKorea, ang unang junior world title ng ‘Pinas sapul kay Alex Borromeo noong 1996 sa Barcelona.

Ang batang wushu artist na si Alexander Gabriel Delos Reyes nanaig sa taolu boy’s taijishan ng 9th World Junior Wushu Championships sa Bandar Seri Begawan, Brunei.

Umiskor ang Volcanoes ng dalawang panalo sa Asia Rugby Emirates Sevens Trophy men’s division sa Kathmandu, Nepal kontra Chinese Taipei, 27-14, at ang women’s crew laban sa India, 7-5, tungo sa pag-akyat sa Division 1.

Nadomina ni Biado ang 1st Ho Chi Minh City Open isa Vietnam sa pagkalos kay Mario He, 13-8, bago sumama sa Team Asia sa pagtisod sa Team Europe sa Reyes Cup, 11-6.

Pagkasabak bilang boxer sa Paris, binalandra ni Bacyadan ang husay tungo sa gold sa Asian Kickboxing Championships sa Cambodia.

Tinalo ni Bacyadan si Chinese Jinwei Teng sa women’s K1 70-kg division finale para pamunuan ang maraming naani na 5-1-10 gold-silver-bronze medals sa delegasyong Pinoy at masiguro ang silya niya sa World Combat Games susunod na taon sa Chengdu, China. (Lito Oredo)

The post Kimberly Anne Custodio tinapik na PSA Athlete of the Month first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments