`Nika’ humina habang palabas ng PAR – Pagasa

Naging severe tropical storm na ang Bagyong `Nika’ habang tinatahak nito ang coastal waters ng Ilocos Sur, ayon sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) alas-otso ng gabi nitong Lunes, Nobyembre 11.

Sa ulat ng Pagasa, namataan ang sentro ng Bagyong `Nika’ dakong alas-siyete ng gabi sa coastal waters ng Magsingal, Ilocos Sur taglay ang lakas ng hangin na 110 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 185 km/h.

Ibinaba na rin ng Pagasa sa Signal No. 3 ang mga lugar sa Luzon na matinding hinagupit ni `Nika’.

Kabilan dito ang katimugang bahagi ng Apayao (Conner, Kabugao), Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, hilagang bahagi ng Benguet (Buguias, Mankayan, Bakun), katimugang bahagi ng Ilocos Norte (Laoag City, Sarrat, San Nicolas, Piddig, Marcos, Nueva Era, Dingras, Bacarra, Solsona, Paoay, Currimao, Pinili, Badoc, Batac City, Banna), at Ilocos Sur.

May mga lugar din sa Luzon na nasa Signal Nos. 2 at 1 pa.

Batay sa pagtaya ng Pagasa, magpapatuloy na tatahakin ng Bagyong Nika ang West Philippine Sea habang palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes ng umaga, Nobyembre 12.

The post `Nika’ humina habang palabas ng PAR – Pagasa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments