Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Atty. Richard Anthony Fadullon bilang prosecutor general ng National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice (DOJ), ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Lunes, Nobyembre 4.
Ipinadala na ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang appointment letter ni Fadullon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa isang liham na may petsang Oktubre 30, 2024.
Pinalitan ni Fadullon si Benedicto Malcontento na nagbitiw sa kanyang puwesto noong Oktubre makalipas ang limang taon ng pamumuno sa NPS.
Isang senior deputy state prosecutor si Fadullon nang maging acting prosecutor general matapos magbitiw si Malcontento.
Nagtapos si Fadullon ng political science sa University of the Philippines at law degree sa San Beda University. Naging clerk of court ng Quezon City Regional Trial Court.
Nagsimula siya sa DOJ bilang state prosecutor noong 1994. (PNA)
The post Malacañang hinirang si Richard Anthony Fadullon na prosecutor general ng DOJ first appeared on Abante Tonite.
0 Comments