Walang bisa ang gimik

Sa katatapos na US elections kaliwa’t kanan ang mga pahayag ng mga tinatawag na US watchers.

Kaya naman ang mga naratibong ‘remake, Trump 2.0 version’ at iba pang pahayag ay naglutangan.

Sa panayam ng inyong lingkod kay Herman Tiu Laurel tagapangulo ng Asian Century Philippines Strategic Institute sa programang ‘Walang Atrasan’ ng Abante Radyo, sinabi nito na nahaharap samalaking hamon si Trump kapwa sa pangloob at panglabas na usapin.

“Lahat po ng inisyatibo ng Amerika sa abroad are having problems and internally the US is having great financial problems, so malaking hamontalaga ang kinakaharap ni Trump.”

Samantala, napagusapan din naming ni Ka Mentong, ang usapin ng International Criminal Court o ICC sa Pilipinas, partikular ang balita nahindi magdadalawang isip ang Senado namagbigay sa ICC ng transcript sa ‘war on drugs hearing.’

“Well itong ICC gimmick nina Trillanes at iba pang mga US proxies ay gimik lamang po at walangbisa. Wala pong saysay. Wala po yang kinabukasandahil po paulit-ulit na sinasabi ni PangulongBongbong Marcos na hindi po babalik ang Pilipinassa ICC.”

“Matatandaan po ng lahat, na tayo po ay kumalassa ICC at tama naman po dahil ang ICC ay instrumento ng mga European at NATO (North Atlantic Treaty Organization) para usigin at gipitinang mga bansa at liderato nito na hindi nilamakontrol at masupil. That’s is why ICC is very anti Duterte dahil po sa pagsusulong ng independent foreign policy ni Duterte,” ayon pa kay Laurel.

Hindi lang si Laurel ang may ganitong obserbasyonpagdating sa pagkilos ng ICC.

Ang ICC ay mayroong ‘double standard’ pagdatingsa usapin ng Israeli-Palestinian at Russia-Ukrainian conflict.

Ayon kay Fuad Zarbiyev, isang professor saInternational Law, tila baga bulag ang mata ng ICC sa ‘genocide’ na nangyayari sa Gaza Strip. Hindi makanting ng ICC ang Israel.

Dahil kaya sa ang mga Kanluraning bansa nasumusuporta sa Israel ay pangunahing financial supporter din ng ICC tulad ng Estados Unidos?

Inakusahan naman ni Allan Dershowitz, isangprofessor sa Harvard Law School, ang ICC nalumalampas sa hurisdiksyon.

Kapag ginusto ng ICC, sa kumpas ng mga financier nito, kahit hindi miyembro ng Rome Statue ay pinakikialaman.

Ang Pilipinas, tulad ng US, China at Russia ay hindimga miyembro ng ICC subalit ang mga galamayng impluwensiya nito ay nararamdaman -malibansa US.

Tila ‘double standard’ ang patakaran ng ICC samga bansang ayaw padikta sa gusto ng mgaKanluraning bansa na hanggang ngayon ang mentalidad ay mga ‘colonial masters’ pa rin.

The post Walang bisa ang gimik first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments