Dinumog ang World AIDS Day Walk 2024 kamakailan sa Pasig City. Libo-libong tao ang nakisali at sumuporta sa taunang selebrasyon na ito.
Dumalo rin ang Secretary of Health na si Ted Herbosa at mga taga -Department of Health.Nakisaya rin ang Philippine National AIDS Council.
Sa hapon naman ay ginanap ang launching ng mga Ambassador ng World AIDS Day U=U Campaign na pinangunahan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.
Inilunsad din bilang mga ambassador sina Markki Stroem, Adrian Lindayag, Janlee Dungca at Lorenz Olleres .
Ayon sa DoH, kada araw ay may maitatalang 58 na kaso ng HIV sa bansa. Ang edad na 15 to 24 daw ang pangunahing apektado ng sakit.
Layunin ng campaign na mas mapalaganap ang kaalaman ng mga tao tungkol sa HIV at AIDS. (Roldan Castro)
The post Pia Wurtzbach bumida sa World AIDS Day first appeared on Abante Tonite.
0 Comments