Asahan ang pagdedeklara ng mga nanalong senador at party-list group sa loob lamang ng isang linggo pagkatapos ng halalan sa Mayo 12, ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia.
“From the Municipal and Provincial Boards of Canvassers, they will be brought to the National Board of Canvassers (NBOC). By our estimates, the canvassing in the national level will run from five to seven days,” sabi ni Garcia sa isang press briefing.
Ang Commission en banc ang magsisilbing NBOC.
Ayon kay Garcia, mas mabilis ang bilangan ng boto kumpara sa dating mano-manong eleksiyon kung saan inaabot ng halos isang buwan bago malaman ang resulta ng mga nanalo.
Dagdag pa niya na makikita rin kaagad ang unofficial results sa gabi pa lang ng araw ng eleksiyon dahil magiging mabilis ang transmission ng election results gamit ang automated counting machines (ACM) na ikinonek sa 5G technology ng Starlink.
Umaasa rin umano si Garcia na hindi mabibigla ang mga tao sa bilis ng transmission ng resulta ng halalan sa Mayo 12.
Sa halalan noong Mayo 2022, iprinoklama ng Comelec ang 12 bagong senador makalipas ang siyam na araw habang 17 araw pa ang lumipas saka isinagawa ang proklamasyon ng nanalong party-list-groups. (PNA)
The post Comelec iraratsada bilangan sa Mayo 12 eleksiyon first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments