Napagtagumpayan nina Elizabeth Alchin at Georgia Johnson ng Australia ang nakakanerbiyos na laban kontra kina Asami Shiba at Reika Murakami ng Japan, 21-17, 17-21,15-11, upang iuwi ang bronze medalya sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open noong Sabado sa City of Santa Rosa, Laguna.
Bumawi ang Australian mula sa mahirap na second set na napanalunan ng Japan gamit ang ilang mini-run, tampoka ang mga pinpoint crosscourt hit ni Murakami.
Tinapos ng Don Under players, ang pangalawang pinakamataas na rating na koponang kalahok, ang paluan sa 47 minuto, makaraang dominahin ang third set at nagpakita ng diskarte’t determinasyon kahit pinuna ang match referee dahil sa pagiging medyo maluwag sa mga lift at double contact.
“It’s important in this sport to not let those things affect our process,” sabi ni Johnson. “We try not to get frustrated.”
“As long as it’s fair among the teams, it is what it is,” dagdag pa nito.
Ito ay isang magandang pagtatapos para kina Johnson at Alchin, na pinabagsak sa semis sa umaga nina Shaunna Polley ng New Zealand at Olivia MacDonald, 16-21, 21-23, na humadlang sa all-Australian women’s title match sa torneo, inooroganisa ni Philippine National Volleyball Federation president Ramon “Tats” Suzara, hepe rin ng AVC.
“We’re very happy with the bronze, very happy that we bounced back after that match against New Zealand,” hirit ni Alchin.
“Happy to come back out and play a cool game, three sets, it’s awesome.”
Sumulong sina Stefanie Fejes at Jasmine Fleming ng Australia sa title match nang talunin sina Shiba at Murakami, 26-24, 24-22, sa Final 4.
Si Fejes ay bumalik sa Nuvali Open final matapos manalo ng titulo sa nakaraang taon kasama si Jana Milutinovic.
Si Fleming, sa kabilang banda, ay atat mapabuti ang kanyang silver medal finish nakaraang taon kasama si Johnson.
Sa men’s division, humablot ng puwesto sa final sina Paul Burnett at Luke Ryan ng Australia sa paggsilat sa top-rated na kababayan at Asian Senior Beach Volleyball champions D’Artagnan Potts at Jack Pearse, 21-16, 21-5.
Ito ay isang all-Australian title showdown dahil tinalo nina Ben Hood at Oliver Merritt sina Amerali Ghalehnovi at Bahman Salemiinjehboroun ng Iran, 21-12, 21-16. (Lito Oredo)
The post Elizabeth Alchin, Georgia Johnson hinagip AVC Nuvali Open bronze first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments