Uy, kumusta? Sana’y okay ka lang kahit sobrang ingay ng paligid natin ngayon.
Dahil bisyong sugal ang napag-usapan natin last week, naisipkong magandang pagkwentuhan din natin ang isa pang nagiging “hobby” ng marami, na nakakasama na pala sa atin.
Dumalo ako kamakailan sa isang seminar tungkol sa bisyongtinatawag na pagiging “shopaholic”.
Ito yung ugaling sige ang pag-“add to cart” sa mga nakikitaonline, o lagay sa push cart o basket habang nagi-ikot sa mall o dampot ng mga bilihin sa tindahan kahit hindi naman nyakailangan.
Sabi ng aming speaker, hindi nakakatawa ang pagigingshopaholic dahil lumalala ito at pwedeng malubog sa utang ang isang tao, lalo na kung sige ang kaskas nya sa kanyang credit card na may interes pag bayaran na.
Dahil sa adiksyong mag-shopping, may mga tao ring pagkataposma-max out ang credit card at hindi makabayad, maga-apply ng panibagong card para ito naman ang magamit, hanggang saparang cycle nang hindi rin uli mababayaran ng buo ang kanilang ipinambili ng inutang na gamit.
Yung ganitong style lalo na kapag hinahabol na ng naniningil, takaw-away at stress sa loob ng bahay at pwedeng makasira ng relasyon.
Pwede ring mawalan ng trabaho ang isang tao, partikular nakung umabot na sa kanyang opisina ang paghahabol ng mgapinagkakautangan kaka-shopping.
Sabi pa ng aming speaker, ilang senyales ng pagiging shopaholic ay yung pagsa-shopping pang-alis ng inis, lungkot o inip ang pamimili ng kung ano-ano; yung hindi mo na matukoy kung ang binibili ay kailangan mo o gusto mo lang, at yung sobra-sobraang binibili.
Kung ikaw ito at gusto mo nang maputol ang pagigingshopaholic, oras na para matuto ka ng ilang hakbang para matulungan ang sarili mo:
• Magtakda ng limit kung hanggang magkano lang ang pwedemong gastusin sa pamimili
• Gumawa ng listahan ng bibilhin at mag-stick lang sapagkuha ng mga bagay na nasa listahan kapag namimili na
• Imbes na bonggahan ang ire-regalo sa kaanak o kaibigan, aralin kung ano ang gusto bago tingnan kung hanggangsaan lang ang iyong badyet at humanap ng akma dito. Tandaan na ang pagre-regalo ay hindi pakipag-kumpetensiya, kung hindi para sa ikaliligaya ng pagbibigyan
• At imbes na ikalungkot ang gagawing pagbabagong-anyo, ilagay sa isip at puso na ginagawa mo ang pagtitiis na itopara mas mabilis mong malilinis ang bahay mo, at hindi ka na basta mai-stress sa mga bayarin.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments