Isa sa top free agents ng National Basketball Association na wala pang team si Malik Beasley.
Mukhang papunta na sa mas malaki-laking kontrata sa Detroit si Beasley matapos tulungan ang Pistons na makabalik sa playoffs nitong nagdaang season makalipas ang anim na taon.
Bigla-bigla, nabalitang iniimbestigahan siya dahil sa pagkakasangkot sa illegal gambling noong nasa Milwaukee Bucks pa (2023-24).
Nagkaroon ng “unusually heavy betting interest on (his) statistics” noong nasa Bucks pa.
Bago ang free agency ay may negosasyon si Beasley at Pistons, kumambiyo bigla ang Detroit at naging free agent ang wingman.
Kinuha na ng Pistons sina Caris LeVert at Duncan Robinson.
Ayon sa ESPN, nakawala ang three-year, $42 million deal na posibleng pirmahan sana ni Beasley sa Pistons.
Hangga’t hindi nalilinis ang pangalan niya sa federal gambling issues, siguradong pangingilagan ng ibang teams si Beasley.
Solido ang mga numero ni Beasley nitong nakaraang season – second sa 3-pointers made mula 41.6 percent shooting sa labas ng arc, kumpiyansa sa mga tira sa malayo, may quick release at mainam ang jumper.
Sa average na 16 points per outing, pumangalawa pa si Beasley sa botohan para sa Sixth Man of the Year bago natalo kay Payton Pritchard ng Boston.
Abang-abang muna ang 24-year-old kung may kukuha ng kanyang serbisyo. (Vladi Eduarte)
The post Malik Beasley top free agent pero naghahanap pa ng team first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments