Sey mo Fyang Smith?Kai Montinola minamanok ni Pokwang

Pagkatapos na pangaralan ni Pokwang si Fyang Smith sa diumanoý pagyayabang nito na ang kanilang PBB batch ang pinaka-most watched among the editions ng reality show, umani naman ng backlash ang young star.

Gayunpaman, meron din namang kafaneyan lalo na ng diehard Fyang fans ang binash ang komedyana.

Nagbanta rin si Pokwang ng legal action dahil pati ang anak niyang si Malia ay ayaw tantanan ng mga faney ng PBB Gen 11 big winner.

On the other hand, pinag-uusapan naman ang pagbibigay ni Pokwang ng papuri kay Kai Montinola dahil sa maganda nitong mukha at talent sa pagkanta.

Si Kai na tinanghal na fourth placer sa PBB Gen 11 ay naging in demand pagkatapos niyang lumabas sa Bahay ni Kuya.

Kabilang na rito ang pagkakaroon niya ng album at endorsements.

Bukod pa rito, kinabiliban din ang potensyal niya sa pag-arte nang mai-feature siya sa MMK katambal si Kyle Echarri.

Dahil sa angking talino sa pagkanta at pag-arte ni Kai, umani naman siya ng mga papuri sa mga netizen.

Isa na rito ang Kapuso actress at TV host na si Pokwang ang labis ang pananampalataya sa kanya.

Kamakailan lang ay nagpahayag ang komedyana ng paghanga at suporta sa isang video ni Kai habang kinakanta ang isang popular song ni Sharon Cuneta.

Komento ni Pokwang: “ayan ang talent!!!! jusko ABS CBN bigyan nyo ng pagkakataon na mas sumikat itong batang ito! may talent sya infairness…”

Nagbigay pa siya ng paliwanag kung bakit naging bet niya si Kai.

“Pinag-uusapan siya sa dressing room namin kanina so hinanap ko, ayun totoo nga ang chika ng mga bakla, parang Barbie daw ang fez at kumakanta raw ng live,” aniya. “Sana makapag-guest sila sa TiktoClock since collab naman na [ang] GMA at ABS.”

Sa tinuran niyang ito, may kibitzers na nag-opinyon na diumanoý minamanok ni Pokie si Kai at nagpapatutsada siya kay Fyang na dedma lang sa kanyang naging talak.

The post Sey mo Fyang Smith?Kai Montinola minamanok ni Pokwang first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments