135 taong nagbibigay sigla

Hulaan kung ano ang minahal ng bawat henerasyon ng Pilipino sa loob ng 135 taon.

Ito ang San Miguel Pale Pilsen na kinilala sa buong mundo at nagbigay ng karangalan sa bansa.
Ang tunay na kinikilalang Global Filipino Beer ay patuloy na nagbibigay sigla sa mga inuman, bumubuo ng pagkakaibigan, at nagiging saksi sa masasayang alaala at hindi malilimutang sandali.

Bilang isang kultural na simbolo, nakapaloob na ang San Miguel Pale Pilsen sa mga alaala ng bawat bote na pinagsaluhan. Mula sa maliliit na salu-salo hanggang sa malalaking pista, pinagbuklod nito ang iba’t ibang uri ng tao—bata man o matanda. Hindi lamang ito naging bahagi ng pagdiriwang, kundi naging bahagi na rin ng kultura at kwentong Pilipino sa bawat panahon.

Ngayong ipinagdiriwang ng San Miguel Brewery Inc. (SMB) ang kanilang ika-135 taon, binabalikan nila ang kanilang makulay na kasaysayan at pamanang iniwan sa industriya ng serbesa at sa lipunang Pilipino. Upang gunitain ang makasaysayang yugto, inilunsad ang isang “limited edition can” na sumasalamin sa tradisyon ng SMB sa paggawa ng de-kalidad na serbesa—isang patunay kung paano ito naging bahagi ng mismong hibla ng kulturang Pilipino.

Ang “Balik Tanaw” can ay nagbabalik ng mga tanawin mula sa nakaraan sa pamamagitan ng malikhaing bisyon ng kilalang Pilipinong pintor na si Francis Nacion. Ang kolektibong piraso na ito ay kumakatawan kung paano ito naging kaagapay sa pamumuhay ng Pilipino—mula sa tradisyonal na mga tagpo hanggang sa personal na mahahalagang sandali.

Si Nacion, na tanyag sa kanyang naiibang istilo at kalahating iginuhit na anyo na sumasalamin sa liwanag at dilim, ay kinikilalang isa sa mga pinakapinapahalagahang makabagong alagad ng sining sa bansa. Mula pa noong 2009, nakapagsagawa na siya ng maraming solo exhibits sa Pilipinas at iba’t ibang bansa, tampok ang kanyang pagmamahal at pagmamalaki sa bansang Pilipinas at sa kulturang Pilipino.

Ang kanyang malalim na ugnayan sa paglalantad ng mga imaheng lokal na hango sa tradisyon at kultura ang dahilan kung bakit naging natural at makahulugan ang kanyang obra para sa San Miguel Pale Pilsen “Balik Tanaw” can. Ang kanyang sining ay umaayon sa adhikain ng brand—nakaugat sa kasaysayan at pambansang dangal.

The post 135 taong nagbibigay sigla first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments