Sa parating na Japan V.League season pa rin papalo ang bituin sa volleyball ng ‘Pinas na si Alyja Daphne “Jaja” Santiago o Sachi Minowa, pero sa Denso Airybees na.
Siya ang papalit sa import slot na dating hawak ng setter ng Alas Pilipinas na si Julia Melissa “Jia’ Morado-De Guzman.
Kinumpirma ng Airybees ang pagpirma ni Santiago noong Miyerkoles sa pamamagitan ng kanilang mga social media page, na nagmamarka sa kanyang pagbabalik sa club scene sa loob ng pitong sunod-sunod na season sa Japan.
Ginugol ni Jaja ang nakaraang dalawang taon kasama ang JT Marvelous (ngayo’y Osaka Marvelous na), binalikat ang koponan ng Osaka na makuha ang kampeonato ng liga sa nakaraang season.
“Lubos akong nagpapasalamat sa pagkakataong makapaglaro para sa Denso Airybees ngayong season. Malaking pasasalamat sa buong koponan sa pagtanggap sa akin. Nasasabik akong magtrabaho nang husto at mag-ambag sa aming tagumpay,” litanya ng dalawang beses na V.League Best Middle Blocker.
“Ang layunin ko ay ibigay ang aking pinakamahusay sa bawat laro, patuloy na umunlad, at tulungan silang makamit ang magagandang resulta. Sa aming pagtutulungan, naniniwala akong makakamit namin ang layunin at mapapasaya ang lahat,” dagdag ng 6-foot-5 na middle blocker.
Kasama si Morado-de Guzman, sa nakalipas na dalawang season ng Denso. Pumang-apat ang Denso sa nakaraang season na may rekord na 29-15 (win-loss).
Bago sa JT Marvelous, naglaro si Santiago ng apat na season sa Saitama Ageo Medics, kung saan niya pinatibay ang kanyang katayuan bilang isa sa mga nangungunang middle blocker ng liga. (Abante Tonite Sports)

The post Jaja Santiago ober da bakod sa Denso Airybees ng Japan first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments