AFP inalarma recycled fake news sa West Philippine Sea isyu

Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko na huwag paniwalaan ang mga kumakalat ngayon na disinformation tungkol sa West Philippine Sea (WPS) na pawang recycled fake news.

“We call out recent attempts to mislead the public by falsely labeling old or recycled footage as a “new” incident in Ayungin Shoal,” ayon sa inilabas na pahayag ng AFP nitong Sabado (Agosto 2).

Tinawag ng AFP na mapanlinlang na mga taktika ang pagpapakalat ng recycle fake news na walang ibang hangad kundi ang imanipula ang isipan ng publiko, baluktutin ang katotohanan at pahinain ang determinasyon ng bansa na ipaglaban ang soberanya at karapatan sa WPS.

Panawagan ng AFP sa publiko na maging mapagmatyag sa mga ganitong iresponsableng gawain, kumpirmahin ang impormasyon at doon lamang maniwala sa “credible and official sources”.

Babala pa ng AFP na banta sa integridad at pagkakaisa ng mga Pilipino ang disinformation.

The post AFP inalarma recycled fake news sa West Philippine Sea isyu first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments