UAAP tinanggihan PBA na isali mga graduating player sa Draft

Ipinahayag ng UAAP na kailangan ang mas maraming oras para pag-isipan ang kahilingan ng PBA na payagan ang mga magtatapos na manlalaro na sumali sa draft ngayong taon bago matapos ang collegiate season.

Ayon sa pangulo ng UAAP Season 88 na si Rev. Fr. Rodel Cansancio, O.P. ng host University of Santos, nire-review pa ng sports and eligibility committee ng collegiate league ang panukala ng pro league.

“Ito ay isang isyu sa patakaran na magkakaroon ng epekto sa iba pang mga isport. Kailangan namin ng oras para mas pag-usapan ang panukala,” ani Cansancio sa press conference ng Season 88 sa UST campus sa España, Manila nitong Miyerkoles.

Ang huling araw ng pagsumite ng mga aplikasyon sa 40th PBA Draft 2025 para sa 50th season nito ay sa Biyernes, Agosto 29 na, at ang draft ay nakatakda sa Setyembre 7.

Sa ilalim ng kasalukuyang patakaran ng UAAP, hindi maaaring sumali ang mga manlalaro sa anumang propesyonal na draft habang nakikipagkumpitensya sa isang kasalukuyang torneo sa kolehiyo.

Nauna nang hiniling ng PBA sa liga na paluwagin ang patakaran, at payagan pa rin ang mga na-draft na manlalaro na tuparin ang kanilang mga pangako sa kolehiyo.

Ang pahayag ni Cansancio ay kinumpirma ni league’s executive director Rene Saguisag Jr. na hindi mapagbibigyan ang PBA para sa taong ito. Dahil matagal nang umiiral ang patakaran na dapat munang tapusin ng player ang obligasyon sa kolehiyo bago mag-pro.

I think the rationale, again, we know the merits and the advantage at that, it will grant the student athletes. However, when we make a decision kasi, it’s not for the sports or for the mission. It’s for the whole sporting program of all events. May implications siya, so hindi siya basta-basta,” ani Saguisag. “So we had to politely decline at least for this season.” (Lito Oredo)

The post UAAP tinanggihan PBA na isali mga graduating player sa Draft first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments