Mga dokumento sa Bulacan flood control na sasailalim sa audit hawak na ng COA

Nakuha na ng Commission on Audit (COA) Fraud Audit Office (FAO) ang unang batch ng mga importanteng dokumento kaugnay ng mga flood control project sa Bulacan. Agad na dinala ang mga ito sa COA Central Office para sa masusing imbestigasyon.

Ang naging pagkilos ng FAO ay bilang tugon sa direktang utos ni COA Chairperson Gamaliel A. Cordoba noong nakaraang Martes, matapos ipalutang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga seryosong isyu sa pagpapatupad ng mga nasabing proyekto, lalo na sa Bulacan.

Binigyang-diin ng Pangulo na sa kabila ng bilyun-bilyon pisong pondong inilaan, nananatili ang malawakang pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa Bulacan pa lang, umabot sa P44 bilyon ang inilaan ng gobyerno, ang pinakamalaking tipak sa buong Region 3, o 45% ng pondo. Sa kabuuan, nakatanggap ang Central Luzon ng P98 bilyon mula Hulyo 1, 2022 hanggang Mayo 30, 2025, o katumbas ng 18% ng kabuuang P548 bilyon na pondo para sa flood control projects sa buong bansa.

Sa kanyang inilabas na kautusan, inatasan ni Cordoba ang lahat ng supervising auditors at audit team leaders sa Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineering Offices sa Region 3 na agad mag-submit ng lahat ng kaukulang dokumento at tumulong sa fraud audit teams anumang oras.

Pinasimulan ang masusing audit dahil sa inisyatiba ng Pangulo na imbestigahan ang mga umano’y iregularidad sa flood control program. Kaugnay nito, kanyang inilunsad ang “Sumbong sa Pangulo” website para makapag-report ang publiko ng mga anomalya. Dito’y lumabas ang datos tungkol sa halos 10,000 flood control projects sa buong bansa. Sa pagbisita ng Pangulo sa Calumpit, Bulacan, nakita niya mismo ang isang river protection project na idineklarang tapos ngunit malinaw na hindi pa kompleto.

Layunin ng special audit na tukuyin at patunayan ang mga kaso ng fraud, waste, at mismanagement upang matiyak ang pananagutan kasabay ng pagtataguyod ng matitibay at maaasang imprastruktura para sa mga mamamayan.

Ang FAO ang siyang nakatalaga sa malalaking kaso ng pandaraya na may halagang P50 milyon pataas. Para mapanatili ang integridad, hindi isasama sa audit team ang resident auditors ng DPWH, alinsunod na rin sa COA Resolution No. 2023-006 na naglalayong iwasan ang conflict of interest.

Itinuturing na mahalagang hakbang ang pagkaka-recover ng mga naturang dokumento dahil ito ang magbubukas ng masusing pagsusuri sa aktuwal na pagkakagawa ng mga proyekto, kalidad, presyo, at sa naging proseso ng procurement sa Bulacan.

Sakop ng audit ang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bulacan, isang lugar na madalas bahain, kung saan umabot sa P44 bilyon ang inilaan ng gobyerno, ang pinakamalaking tipak sa buong Region 3 o 45% ng kabuuang pondo.

Sa kabuuan, nakatanggap ang Central Luzon ng P98 bilyon mula Hulyo 1, 2022 hanggang Mayo 30, 2025, katumbas ng 18% ng kabuuang P548 bilyon na pondo para sa flood control projects sa buong bansa.

The post Mga dokumento sa Bulacan flood control na sasailalim sa audit hawak na ng COA first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments